Friday, October 31, 2008

txt m, txt nya,txt nting lhat...



Nakakatuwa ang buhay Pilipino. Masaya, very light ang dating at makulay. Mahilig tayo makipagkapwa tao, mahilig tayong magcommunicate. We have the need to keep in touch to family and friends kaya naman ng mauso ang ceephone at text messaging ay kinagat ito ng mga pinoy ng sobra sobra.

Gusto natin ay hindi tayo nahuhuli sa chika, dapat up to date. Kaya nga marami sa atin ang tsismoso at tsismosa. Aaminin ko isa ako sa mga ito, pinoy ako eh! Gusto ko nakakarinig ng latest buzz, gusto ko nakukumusta ko lagi ang aking mga mahal sa buhay at mga kaibigan, mga nakasama sa trabaho at kahit na 'yung mga nakakilala ko lang sa kanto.

Lagi lagi akong may dalang cell phone, higit pa nga sa isa. Maya't maya tingin ako ng tingin baka may sumagi na mensahe na aking mababasa. Marami akong kaibigan na katext. 'Pag minsan maraming kuento, pag minsan naman ay nauubusan ng kuento kaya mga forwarded messages na lang. Okey rin naman ah, ibig sabihin lang noon nagpaparamdam sila at buhay pa.


Ang daming mga funny thoughts ang natatanggap ko sa text. Sure ako na kapag may nabasa akong isa kumpleto na araw ko dahil sa katatawa. Wanna try? Subukan mong magbasa ng mga jokes na nagpalipat lipat na sa kung kani kaninong cell phone, malalaman mo ang sinasabi ko. Kung wala naman sa 'yong nagpapadala ng mga katulad nito, kawawa ka naman, walang nagmamahal sa'yo. hehehe.

Pero huwag kang mag alala, may naipon akong ilan na nasave ko sa phone ko... Patikim lang 'to ha. Mapagod din kasing mag encode.Kaya para patas, pag merong nagsend sa 'yo ng kakaiba at nakakatawang text, huwag ka naman masyadong madamot, ipost muna.

QUOTES TO LIVE BY:
1. Birds of the same feather are the same birds.
2. Do not do unto others what you can’t do.
3. An apple a day is not an apple at night.
4. When the cat is away, the mouse is alone.
5. If others can do it, don’t help.
6. Early to bed and early to rise makes you sleepy in the afternoon.
7. Ang ilog na tahimik ay malalim. Ang ilog na maingay, may naglalaba.

----------

Invited daw tayo sa wedding ni Alvin. Saturday raw sa Manila Cathedral. Purple ang motiff at pormal ang attire para sa mga dadalo. Alas kuatro ng hapon.

Kilala mo? Ako hindi. Iforward mo mo na lang sa mga friends mo para marami tayo invited.

----------
Tired in every day activities. These are 5 tips for something new...
1. sikmuraan mo ang unang taong makasalubong at humingi ng sorry.
2. uminom ng pampatulog at labanan ito. mag exercise.
3. tibagin ang bahay at buuin muli.
4. himatayin kunyari sa daan. tiyaking may tao.
5. tahiiin ang pwet at magpatingin sa doktor

O, hindi ba very creative at talagang bagong bago. Try mo... para naman maiba araw mo.I'm sure, mababago as in 360 degrees turn ang buhay mo.

Enjoy texting, enjoy reading!

1 comment:

Anonymous said...

dati mahilig ako magtext pero ngayon hindi na, corny na kasi minsan mga jokes at tinatamad na ako magtext pag walang katuturan,importante na lang na messages ang nirereplyan ko tsaka nagtitipid ako e hehe--Mau Maldita