Tayong mga Pilipino talaga ay mahilig sumubok ng mga bagay bagay na bago sa ating paningin, pandinig at maging sa panlasa. Subok lang naman, hindi ba? Ano ang masama? Wala naman sigurong mawawala. 'Yang "mental attitude" na 'yan ang nagbunsod sa akin para magsulat sa blog na tulad nito. Ang concept ko syempre ay ang malapit sa puso ko: ang pagiging pinoy.
Kahit pa sabihin ng iba na hindi maintindihan ang kultura natin ay hayaan na natin sila sabagay ako man mismo ay naguguluhan din pag minsan, pero 'di kaya that's the perfect description sa ating mga kaugalian at kultura.Kaya siguro very popular ang halo halo sa atin, iba't ibang putahe sa handaan, 'yong smorgasborg... kasi tayo ay isang samu't sari.This only brings to an impression that our heritage is very colourful and dynamic. Never a dull moment, magbasa ka ng kasaysayan natin at masasabi ko na talo mo pa ang nanood ng sandamakmak na teleserye. Ganyan nga tayo at proud ako!
Kaya naman tulungan n'yo na maging makulay ang mga posts dito sa pamamagitan ng inyong pagbabasa at pagbibigay ng mga opinyon at suggestions.Para akong kandidato na nangangampanya ng boto. Pilipinong pilipino, hindi ba? Sige kapag hindi ito nagklik, vote buying ang last resort ko. Certified Pilipino nga ako.
Ano ba ang meron dito? katulad nga ng blog title: SAMU'T SARI. Iba -iba, kung ano ano, pero sana naman ay may kuwenta, ano? Pero sa kabuuan naman ay masasalamin mo ang makabago at nagbabagong kultura ng ating lahi, ang lahing pinoy! Hindi po ako naghahangad ng monumento kapag namatay na ako at matawag na bayaning blogger. Hindi po sumagi sa isip ko ang mga bagay na ganyan. Basta ang sa akin lamang po ay TRIP LANG.
Sa lahat ng mga pinoy, isip pinoy at pusong pinoy... heto ang tagay para sa atin!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Korek ka dyan kapatid…para maiba naman ang tingin sa atin ng mga ibang lahi…pag nababangit kasi ang salitang “Philippines”, “Pilipinas”, “Pilipino” o “Pinoy”, ang nsa isip ng ibang tao ay: “corrupt, magnanakw, traydor, walang budhi, abu sayaf, npa, milf, mnlf..” at kung ano-ano pang mga negatibong label.. sa pamamagitan ng iyong “blog” mabibigyan mo ng ideya ang ibang lahi na tayong mga pinoy ay meron din mga “good sides”, ika nga…mabuhay ka kapatid…mabuhay ang mga pinoy…mabuhay ang Pilipnas…
Post a Comment