Friday, October 31, 2008

hayskul life


Ewan ko at hindi ko alam kung bakit bigla na lang sumagi sa isip ko ang buhay high school. Siguro kasi nitong mga nagdaang mga araw ay biglang nabuhay ang mga patay!Biro lang. Undas na kasi habang tinitipa ko ang 'out of the blue' idea na ito.
Nabuhay muli ang mga kabatch ko noong high school, biglang sumipag na mag text at magpost ng mga messages sa friendster.Magpapasko na kasi at 'yun ang time para magkasama sama uli ang tropa. Early plans 'ika nga. Daig ng maagap ang walang balita.Alam ng mga pinoy 'yan. Mahilig kasi tayo sa reunion.

Kaya halika at balikan natin ang buhay hayskul...


Marami ang nagsasabi na ang buhay highschool ang isa sa mga pinakamemorable na pangyayari sa buhay ng isang tao sa ating kasalukuyang panahon. Agree ka ba? Totoo naman ‘di ba? Huwag mo ng subukin na kumontra pa dahil magiging kill joy ka lang… Ke pangit o maganda ang mga karanasan noon ay talaga namang you can’t help but trip down to memory lane and have a sense of nostalgia.

“…highschool life oh my highschool life…” Boses ni Sharon Cuneta habang kinakanta n’ya ang awit na naging hit noong dekada otsenta.

“…farewell to you my friend…hmmm” Boses ni Raymond Lauchengco sa kanyang awit na naging theme song na yata ng lahat ng graduation rites sa iba’t ibang secondary schools sa Pilipinas.

“… nagsimula ang lahat sa eskuwela…lalalala” Himig ng APO Hiking Society sa kanilang kanta about teenage life.

Sobrang dami pa na mga kanta na pumapasok sa isipan ko which remind me of highschool days. Isa lang ang masasabi ko: Klik na klik talaga ang highschool. At bakit nga naman hindi?. Ito kasi ang time na kung saan mas lumawak ang mundo natin. Mas naging independent, mas maraming naging kaibigan at mga kaaway na rin siguro at ang isa doon eventually ay naging best friend pa yata, mas maraming happenings, parties at isama mo pa ang mga patagong inuman and other explorations that teenagers curiously plunge into. Sabi ko nga puedeng maganda o kaya puede rin namang masama. Kayo na lang magspecify noong mga hindi magaganda sa isip n’yo dahil ayaw kong tumaas masyado ang moral compass ko at kinalaunan ay maging ipokrito pa ang dating ko. Basta ‘yun na ‘yun.

Ang alam ko, anything goes, that’s the spirit. Basta masarap at masaya. Maraming dramarama sa maghapon abutin pa ng primetime bida. Kulang ang isang season ng teleserye para mabuo ang kuento ng highschool. Andaming characters, andaming bida at kontrabida, merong pantaserye din lalo na sa mga kaklase nating laging tulala sa isang tabi dahil may sariling mundo. Iba’t ibang klase ng angulo at trip. It is a kaleidoscope of memories and experiences.

Andaming mga unforgettable scenarios. Isama mo na dyan ang mga crushes at best friends sa campus. Kahit saang batch ka pa at school nanggaling, iba talaga ang feeling if you are in a reminiscing mode. Pero higit pa sa mga nasabi ko na, ang highschool life din ang nagbuo sa atin na maging kung sino tayo sa ngayon. Ito ang humubog sa atin how we keep on surviving in whatever life complexities are presented to us. Natuto tayong magmature, natuto tayong lumaban, natuto tayong manindigan, natuto tayong magpakumbaba, natuto tayong mangarap, natuto tayong tumawa ng malakas, natuto tayong pumalahaw ng iyak, natuto tayong umunawa na higit pa sa bumasa. Kidding aside, ang buhay highschool ang naturo sa atin na maging isang mabuting tao ………..at sa sobrang lalim nito ay napatigil ako sa pag sulat… napaisip ako, ano nga ba ang pinakamahalagang leksyon na natutunan ko sa buhay highschool ko? Something which I always hold on to, something which I always look back into. A minute of contemplative silence….Now, I know. What about you?

1 comment:

AwEs10 said...

Tama po kayo dyan! high school life is the best part of everyone's life. Maraming experiences ang naeexplore at natutuklasan. I bet walang mkkpgsbi n hindi nging masaya ang high school life nila except for some na talagang di naging nakaranas because of some personal constraints and decision... Basta ako i enjoyed my high school life and it would always be treasured...