
Akala ko ay ititigil ko na ang pagsulat sa blog na ito sa mga hindi ko maipaliwanag na dahilan. Siguro pinangatawanan ko lang ang pagiging ningas kugon ko... Hindi naman siguro dahil may mga bagay na natatapos din naman ako. Siguro dumating lang ako sa punto na nagtatanong, kakaririn ko na ba ang pagsusulat sa samu't-sari o hindi?
Ngayong araw lang na ito biglang nangati ang kamay ko at binuksan ko ang "new post" ng blog na ito. Sa maiksing sandali, andami na naman ng mga ideya na gustong humilagpos sa aking isipan. kailangan ko itong pigilan kasi naman habang ginagawa ko ito ay nasa trabaho ako, pero okey lang kasi bakante naman ako.
Sige, I'm convinced. Itutuloy ko ito. Ayon sa aking planner ay tuwing Martes ang regular schedule ng posting ko rito.
Sige, i'll mark this day. I'll make it one of my priorities in my "to do list". Anyway, this can break the ice sa aking isang araw. Something for a change. Sana lang 'di maging routine kasi baka mabored uli ako.
Ano nga ba ang isusulat ko? Ano pa e 'di kung ano ano... kaya nga samu't sari, hindi ba?
No comments:
Post a Comment