Sunday, November 9, 2008

ano sa tingin mo?


Dahil nga sa masayahin at positibo ang pananaw sa buhay, maraming salitang pinoy o maging expression man na ang ibig sabihin ay maganda (standard o jologs man ang porma): Nandyan ang ASTIG, OKS NA OKS, HANEP, PUEDENG PUEDE, KAHANGA HANGA, KAHALI HALINA, AYOS, GUD, VERY GUD, BUHAY NA BUHAY, SWAK NA SWAK, NAKAKAMANGHA, NAKAKAGULAT (in a good way, puede rin kasing nakakagulat sa takot o sama), PULIDO, NAPAKAGALING…May naiisip ka pa ba? And to keep the expressions going, I’ll just write: at marami pang iba.

Masasalamin sa ating kultura na mahilig tayong mag appreciate ng mga bagay bagay sa ating paligid. I mean hindi naman lahat. I am talking about the general population. Siguro, dahil na rin sa ating pag uugali na ayaw nating makasakit ng damdamin ng ibang tao kaya we always have the eye for the good. Ayaw natin na ang dating natin sa ibang tao ay ‘daot’ o ‘kontrabida’. Kaya nga kahit na ‘di kagandahan ay ‘OK’ pa rin ang feedback na maririnig natin.

Wala naman akong nakikitang masama, kasi nga sino ba tayo para humusga ng todo todo lalong lalo na kung nakikita natin na super ang effort ng isang tao. Kahit sa effort man lang, babawi ka. Kung may hindi kagandahan, magaling tayo sa sandwich approach. Ano ba ‘yon? Teknik yan ng pagbibigay ng feedback… Sasabihn mo ang positive sa una, tapos ang dapat na iimprove at saka uli babawian ng magandang komento.

Nitong mga nakaraang araw, masipag akong magpromote ng blog ko syempre sa mga kaibigan. Mahirap yung kung kani kanino na lang baka sabihn ay kinakarir ko na talaga ang pagsulat sa blog. Habang ginagawa ko ang pagkontak sa mga kaibigan ko, tinatanong ko rin sila kung ano ang dating sa kanila ng mga nasulat ko. Hindi pa man ay alam ko na ang sagot, syempre walang masamang tinapay lalo na at kaibigan kaya naman lahat ng feedback ay maganda kahit ako mismo na nagsulat ay nakukulangan at medyo nakokornihan sa ilang parte dahil sa alam ko na my style of writing is still evolving. Kailangan ‘yan ng bawat sumusulat. Dapat ang concept nagkakaroon ng sariling personality kasama na ang style of writing. Anyway, minsan natanong ko ang isang kaibigan about this blog. Heto ang maiksing conversation:

XX: Sir, maganda ang blog mo. (natagalan… kaya sinundot ko ng tanong)

Ako: Kaya lang?

XX: Ano… ahh… maganda nga, medyo nakokornihan lang ako dun sa ibang lines. Medyo (medyo pa ha, hindi straight forward) hindi naman nakakatawa. Siguro ‘di lang ako na sanay na ganun ka magsulat (s’ya pa ang nagrationalize). Pero nag enjoy akong magbasa. Nakakarelate ako. Hindi s’ya malalim na magnonose bleed ka pag binasa mo.

Nakita n’yo kung paano ang sandwich approach. That’s very Filipino. At katulad ng nasabi ko na: WALANG MASAMA sa ganyang istilo ng pakikipagtalastasan. Hindi ka makakahanap ng kaaway… Friendly nga ang pinoy, di ba? Subukan mong baguhin, maging super straight forward ka at wala pang isang linggo ay magiging Bella Flores (the most notorious kontrabida figure in Philippine cinema) ang role mo. Hindi ko naman sinasabing maging plastic tayo pero kung masama at hindi maganda ay sabihin natin, pero dapat tingnan din natin ang ibang anggulo na baka may maganda dahil ako mismo ay naniniwala na there’s no absolute bad or good.

So next time na may magtanong sa’yo… Ano sa tingin mo? Alam mo na isasagot mo. Ok ba?